Sunday, January 15, 2006

Ang Pamumulitica ni Gloria

Sa tingin ko, hindi dapat nagtatagal ang ating pangulo sa kanyang kinanalagyan sa malacañang dahil sa mga bagay na nangyayari sa ating lipunan. Siguro mas makakabuti sa kanya ang tanggapin ang payo ng Unibersidad ng La Salle na "supreme sacrifice". Nasabi ko ito dahil sa hindi naman na siya nakakatulong sa ating ekonomiya. Madalas sabihin ng malacañang na ang pag-taas ng ating GDP ay isang senyales na pag-angat ng ating ekonomiya ngunit ito ay isang malaking pang-ga-gago sa mga taong bayan. Sa tingin ko sasang-ayon ang mga ekonomista sa aking sasabihin na ang ibig sabihin lamang ng GDP ay ang dami ng nagawang produkto sa taon na iyon, kung dumami ba o kumonti ayon sa porsyento nito. halimbawa, sasabihin ng malacañang na umangat ang GDP natin ng 4.3%. Ang ibig sabihin lamang nito ay dumami lang ang produkto na nailabas ngayon pero ang presyo ay hindi pa rin bababa. ibig sabihin din nito na ang mga mayayaman lang din ang mga umuunlad ang lalong napagiiwanan ang mga mahihirap nating mga kapatid. Pano ko nasabi ito? Simple lang, ang binibilang kasi ng GDP ay ang mga na-i-labas o nagawa na produkto, e sino ba ang gumagawa ng produkto na ating binibili, hindi ba't ang mga mayayaman lamang? kaya para sa akin ang ibig sabihin lang ng GDP ay ang pag-unlad lang ng mayayaman.

Pangalawa, bakit ba nasa MMFF awarding night ang ating mahal na pangulo, gawain niya bang i-criticize ang mga ginawa ng pelikula?? hindi naman d'ba? isa itong malaking pamumulitika!! bakit hindi nalang siya matulog para kumpleto pa ang kanyang tulog at baka pag-kumpleto ang tulog niya ay gumanda ang lagay ng ating bansa. buti sana kung artista rin siya at meron din siyang "entry" sa MMFF kaya siya umatend. kaso hindi naman, kalokohan talaga..

Niloloko tayo ng harap harapan ng pangulo sa mga ginagawa niya d'ba? mas mabuti pa kung hindi nalang sa magpakita sa mga lugar na wala naman siyang gagawin o kinalaman. nakakapang-hinala tuloy diba? nakakainis na kasi e, kunwari pa siyang hindi apektado sa mga atake sa kanya tapos siya naman puro "counter-pabango" naman ang laban niya sa mga ito.

kaya ako ang hiling ko ngayong bagong taong, sana mawala na si Gloria sa malacañang at isama niya na ang pamilya niya na lagi siyang dinedepensahan na huling huli naman ang kamalian.

2 Comments:

At 12:16 AM, Anonymous Anonymous said...

sir john! aba! wala lang... galit ka na rin pala kei madam gloria! ehehe... saya! ----kamz----

 
At 8:27 PM, Anonymous Anonymous said...

mas tamang gamit ang "pamantasang de la salle" kesa sa "unibersidad ng la salle". un lang. =D

 

Post a Comment

<< Home