Thursday, December 07, 2006

GARAPALAN to the MAX!!

Nitong mga nakaraang araw tila minamadali ng house of representives ang pag-pasa sa amiyendang gusto nilang gawin sa konstitusyon. wala naman problema sakin kung magpapasa sila ng resolusyon o kahit ano pa man para maipalitan o mabago ang konstitusyon, ang bagay na nakakainis lang sa mga nangyayari ay ang GARAPALANG pagpasang ginagawa nila. Ito na ang tinatawag kong sumosobra na ang pag-gamit sa kapangyarihan. Hayaan niyong ilagay ko dito ang mga puntos ko kung pano sila naging GARAPAL sa paningin ko.

una, ang pinagtatalunan nilang depinisyon ng "congress" sa constitution article 17 section 1(1) sabi dito "any amendments to, or revision of, this constitution may be proposed by: The Congress, upon a vote of three-fourths of all its Members". Maliwanag naman na ang depinisyon ng "congress" dito ay ang BUONG CONGRESS or THE CONGRESS. Ngayon ano nga ba ang congress sa isang simpleng depinisyon, simple lang, sabi ni webster dictionary ang "congress" daw ay "the supreme legislative body of a nation and especially of a republic". Maliwanag na ang nakalagay ay ang supreme legislative body of a NATION ngayon ang house of representatives lang ba ang sakop ng mining ng NATION? maliwanag naman na hindi, kasama rito ang senado. ngayon ang ipinipilit kasi ng mga tuta ay ang house of representatives lang ang tinutukoy ng congress. hindi ba't malaking kalokohan ito? bakit niyo ine-echepwera ang senado? napaka-duming maglaro ng mga taga-administration lalo na ang mga lider ng mga grupong ito.

pangalawa, hindi ba't sinasabi ng malacanyang na magkakaron ng botohan next year? alam ko na kung ano ang botohan na ito, ito ang botohan sa plebesitong gagawin para ma-amyendahan ang konstitusyon. oh diba, ang galing nilang manloko, ang sinasabi nila, magkakaron ng botohan tulad ng gusto ng publiko, pero anong klase ng botohan ito? botohan sa plebesito pero hindi ang inaasahang botohan para mag-upo ng mga bagong opisyal ng bansa. may tawag dito sa ingles DECEPTION, teka sino ba ang magaling sa deception?.... sirit?.... e di DEMONYO!

pangatlo, sino sino ba ang mga nagsusulong nito? marami sa mga nagsusulong dito ay ang mga patapos na ang termino at naka-tatlo ng termino sa house of representatives ibig sabihin hindi na sila makakatakbo uli ayon sa batas. ano ibig sabihin nito? simple lang uli, wala namang mawawala sa kanila e, tapos nanaman ang termino nila kaya pilit na nilang isinusulong ang "pagbabago". isa pang dahilan dito, dahil sa tapos na ang kanilang termino, ayon sa batas, matatapos ang serbisyo nila sa susunod na taon bandang mayo o hunyo, pero ano pa ang ipinapasa nilang proposal? ayon dito hahaba pa lalo ang termino nila ng mga 5 o hangang 6 na buwan matapos ang plebesitong gagawin nila sa nobyembre sa susunod na taon. o diba maliwanag na power grabbing at maliwanag na ayaw nilang bitiwan ang pwesto nila? dahil hangang sa huli pinahaba pa nila ang kanila termino.

pang-apat, ewan ko lang ha, pero si JDV, yung pilit na nagpapapalit ng constitution, numero unong promotor, ano ba ang makukuha niya dito? well simple lang ang nakikita ko, pangarap niya kasing maupo sa pinakamataas na pwesto, ano koneksyon? hindi niya kasi kaya sa pamamagitan ng presidential form. alam niyang wala siyang pag-asa pag-dating dito kaya pilit na gustong palitan ang constitution para madali makaupo sa pwesto.

payong kaibigan lang sa mga kababayan nating nasa "congress", huwag kayo masyado GARAPAL, nakakaintindi at nakakaramdam si Juan dela Cruz, baka maging mitsa ito ng pag-bagsak niyo sa pwesto.